PANUKALA NI CONG STRIKE NA FREE COLLEGE SA MGA SUC, BATAS NA!

 In News

Isang malaking pasasalamat ang ipinaaabot ni Bacoor City Congressman Strike B. Revilla kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagsasabatas nito sa “Universal Access to Quality Tertiary Education Act” nitong Huwebes.  Ayon kay Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, nilagdaan ng Pangulo ang panukalang inaprubahan ng Kongreso sa kabila ng mga pagtutol ng mga economic managers ng administrasyon.

Malaking pasasalamat rin at pagkilala ang ipinaabot nito sa 58 Kongresista na kanyang mga kapwa principal author at sa mga Senador na nagsulong ng panukala sa Mataas na Kapulungan.  Partikular na kinilala ni Revilla si House Committee on Technical and Higher Education Chair Ann Hoffer na siyang pumastol sa pagsasabatas ng libreng edukasyon sa kolehiyo.

Gayundin ang pagpupugay ni Cong. Revilla kina Speaker Pantaleon Alvarez, Majority Leader Rodolfo Fariñas, Minority Leader Danilo Suarez, pati na rin sa pamunuan ng Senado, at sa lahat ng mga mambabatas dahil naipasa ang panukala unanimously.

“Ipinakikita nito ang tunay at lubos na malasakit ng Pangulo sa ating mga kabataan at kababayan,” pagpapasalamat ni Cong. Revilla. “This administration and our present crop of leaders have done in a year what has not been done before.  That’s political will.”

Matatandaang isa sa mga prayoridad na panukala ni Strike ang HOUSE BILL 4701 na kanyang isinumite noong Disyembre 2016.  Kalaunan ay na-consolidate ito sa House Bill 05633 na siya ngang naaprubahan ng Kongreso noong Mayo at ipinadala nga sa Pangulo noong ika-5 ng Hulyo 2017 para sa kanyang lagda.

Itinatakda ng batas na bigyan ng full tuition subsidy ang lahat ng mga mag-aaral sa State Universities and Colleges (SUCs), local universities and colleges, at state-run technical-vocational schools.

“Sa Pilipinas, 2 sa 5 na estudyante sa high school ay hindi na tumutuloy sa kolehiyo dahil sa mahal na tuition fee at mga bayarin.  Matapos ang paghihirap na magkaroon ng high school diploma ay napipilitan na silang tumigil sa pag-aaral,” paliwanang ng kongresista.

“Malaking hakbang ito tungo sa pagsasaayos ng ating sistemang pang-edukasyon,” ani Revilla. “Hangad nating huwag maging hadlang ang kahirapan at kakulangan sa buhay sa pag-aaral ng bawat Filipino,” dagdag nito.

“Makikita nating buhay na buhay ang diwa ng mandado ng Konstitusyon na pahalagahan ang edukasyon at ang kinabukasan ng ating mga kabataan,” masayang ipinaliwanag ng mambabatas. Ayon sa Article 14, Section 1 ng Saligang Batas, “The State shall protect and promote the right of all citizens to quality education at all levels, and shall take appropriate steps to make such education accessible to all.”

“With this measure, we are one step closer to ensuring that our country and future generations will be breaking free from the bondages of ignorance and poverty,” pagtatapos nito.

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Start typing and press Enter to search